Something that has to do with "panahon" (JM Cortes Acut)

(a birthday poem for lunaisla)
 
Magnanakaw ang panahon, langga
kamalayan, karanasan, kabataan:
Paunti-unti, uuntiin ka
ng namamalayan mong katahimikan
ng sampu, labindalawa, tatlumpu. Ngunit,

iba tayo, langga.
kumakati ang paa sa kaluluwa
sa lahat ng pumapagitna
sa malungkot' masaya,
kamangmanga't kaalamat at, oo,
libinga't kapanganakan.

Iba tayo, langga
dahil mananakaw man ang panahon,
tayo lang ang malilikot
na nakapagnanakaw sa kanya.

-- Feb 26, 2011